April 18th, 2005
Charisma
18 days na ang nakalipas matapos ang mabilis na mga pangyayari sa pagitan namin ni Charisma. Akalain mong ganun kabilis na-inlove xa sa'kin. 'Di naman ako tomboy or butch or kahit ano pang klaseng lesbian. Nung una, feeling ko na-oobliga lang ako na magexert ng effort or sweetness sa kanya kc mahal nya ako. Pero iba na kasi yung connection namin, para bang we're going through something deeper.
I thought it was really impossible to be in love with someone for such a short span of time and mind you, with the same gender. Pero what can I do? Mahal ko na xa... Di ko naman xa pinagaralang mahalin dahil lang sa mahal niya ako, bigla ko na lang naramdaman ung kakaibang sensation sa tuwing magkakalapit kami.
Ayokong masaktan si Charisma, kasi babae din ako, alam ko kung ganong torture ang inaabot ng isang babae sa isang relasyon, ayokong mangyari sa kanya yung dinanas ko sa boyfriend ko.
Teka, teka, teka... wag nyo muna akong husgahan ha... to tell you the truth, me boyfriend ako, c Eric. At me girlfriend din, c Charisma. Eric and I have been together for a year and three months. Bakit ko nagawang hayaang mahulog kay Charisma habang nasa loob ako ng isang relasyon?
Para kasing gusto kong gawin at iparamdam kay Charisma yung mga hindi ko naramdaman sa boyfriend ko. I wanna make her happy, lahat ng bagay na gusto niya at kailangan niya gusto kong ibigay, yung time na nililimos ko lang kay Eric, ibibigay ko sa kanya ng buo. Di na niya kailangang mag-drama or whatever para lang bigyang pansin ko, gaya ng ginagawa ko kay Eric. Di ko alam kung ano ang tawag dun... Pero para sa'kin I wanna give her the best. Para di xa maging bitter sa'kin at di nya pagsisihan ang pagpili sa akin.
Ayokong dumating ang time na tulad ko kay Eric na puro hatred ang mararamdaman. Ayokong bigyan xa ng frustrations pagdating sa relasyon. Para sa kanya gusto kong maging worry-free xa at hassle-free naman ang flow ng relationship namin....
Gusto kong maging an-inch-close-to-perfect ang relationship namin.... Alam kong darating ang panahon na magsasawa din xa sa akin o ako sa kanya, pero bago dumating ang panahon nayon, sisiguruhin kong she'll feel loved and pampered.
TAKE NOTE: BABAE PA RIN PO AKO!
